“Like Mike De Leon’s Kakabakaba ka ba?, Acuña leans into satire for delivering a narrative that is unafraid to offend for the sake of illuminating deeper truths. ”
Kalagitnaan ‘to ng produksyon ng Maryosep. Nagkataon na naglipat kami ng gamit para sa bagong studio pagkatapos ng shooting. Bagsak lahat sa pagod pero ganito lang talaga ang buhay-indie. Lapat muna sa tiles dahil maaga pa ang call time kinabukasan.
Sampung oras na shoot, tulog sa biyahe.
Flight papuntang Cebu para dumalo sa Binisaya Film Festival. Saglit lang naman biyahe kaya nag-edit na lang ako.
Nang maging kalahok sa Pelikultura.
Habang pauwi, mula Benguet pabalik ng Maynila. Sumakay kami sa 16-wheeler truck na puno ng gulay para maging isang mahabang interview ang biyahe para sa documentary naming LUSAW: Exploring Urban Agriculture.
Pinagbabawal sa NLEX ‘to kaya ilang beses kami nagtago sa ilalim ng mga bag namin para hindi kami mahuli.
Shooting ng collaboration ni Kuya Kim at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Pagkatapos ng magandang take, kaunting kwentuhan tungkol sa selvedge denim at heritage clothing.
Unang pagkakataon na makapunta ng Mindanao para sa Nabifilmex.
The boys. Ang pinakamamahal kong sound at production design crew.
Taong 2016. Nagsisimula pa lang kumalikot ng camera. Kasama si Ian Cabañez, ang tropa kong nagturo sa akin. Siya nga pala ang DOP ng Maryosep.